Q: Pwede na bang mag college ang lahat lahat nakapasa ng ALS ng Nov 2017, March 2018?
A: Yes pwede na 60% and above from Luzon Visayas Mindao. Pero magapply pa rin sila at dapat ipasa ang admission requirements ng kolehiyo.
Q: Pati ba test takers ng A&E October 2018 kasama sa ALS4college?
A: Yes
Q: Kailangan ba silang mag bridging?
A: Sabi ay “may require” so depende rin sa eskwelahan kung ire-require nila ito. Kung luma pa ang curriculum ng college baka hindi na. Ang iba naman, nakasiksik na sa regular classes ang bridging
Q: Paano kung naka-enrol na sa SHS, pwede bang lumipat sa college?
A: Wala naman nagsasabi na bawal gawin ito. Gumawa ka lang ng sulat addressed sa principal at sabihin na nais mong mag-withdraw sa SHS at lilipat ka na sa kolehiyo dahil lumabas na ang DepEd Order na nagsasabi na pwede ka nang mag college
Q: Paano kung mas gusto kong mag SHS?
A:Pwede pa rin daw kahit na may DepEd Order na ALS4College. Pwede kang mag-enrol sa public or private school. Kunin mo rin ang certificate mo para may patunay ka na graduate ka ng high school na old curriculum. Hindi mo masasabi, baka hindi mo matapos ang SHS… at least may patunay ka na graduate ka na ng high school.
Q: Paano kung next sem pa ako magco-college?
A: Based sa DepEd Order na ito, hindi pinagbabawal na gawin ito subalit hintayin natin ang lalabas na memo ng CHED para alamin kung may cut-off… depende rin sa schools. Yung iba kagaya sa San Mateo Municipal College, itong first sem lang tatanggap ng ALS. Next sem hindi na kaya magtanong sa school
Q: Papalitan ba ang COR na nakalagay ay NA o JHS?
A: Yes, may kasamang certificate ang DepEd Order. Tingnan sa dulo. Nakalagay doon na graduate ka ng old high school curriculum. Kaya pwede rin itong ituring na isang diploma. Puntahan ang inyong IM agad agad at hingin mo ito sa kanya, or pwedeng kunin sa division office. Siguraduhin na pinirmahan ng Superintendent at nalagyan ng seal.
Q: Pwede ba akong mag TESDA?
A: Yes pwede. Kunin mo rin ang certificate mo para may patunay ka na graduate ka ng high school na old curriculum para pwede ka sa short courses na TESDA
Q: Ano yung sinasabi ng DepEd Order na papalitan ang COR?
A: Ayon kay Asec, ang tinutukoy nito ay yung old COR..kung nainis ka noon dahil akal mo bagsak ka at tinapon mo yung COR, pwede ka raw kumuha ng kapalit ng old COR sa BEA. Magbayad lang ng 50. Pumunta sa office ng BEA sa pasig o mag email thru bea.ead@deped.gov.ph. Sabihin ang complete name, sabihin kung elementary o high school, place of testing, date of testing
Q: Ano ang dadalhin kung mageenrol sa college?
A: Dalhin ang new certificate galing sa DepEd Order 27 s.2018. Iprint mo rin ang DepEd Order download mo dito – http://www.deped.gov.ph/…/default/files/order/2018/DO_s2018…
Kopya ng CMO June 13, 2017-. https://drive.google.com/…/0B4ILD-OkO5k4bE5qRTFXV2pvN…/view…
May ilalabas raw na isa pang CMO from CHED na pwede mong idagdag…hintayin natin
Q: Paano kung tapos na ang enrollment sa gusto kong college?
A: may ilalabas daw ang CHED na memo para pakiusapan sila..hintayin…