Sa ALS Abot Kamay ang Pangarap

DWQA QuestionsSa ALS Abot Kamay ang Pangarap

Alternative Learning System (ALS)
Papaano nga ba kita nakilala ALS?at sino ang nagpakilala sayo para makita kita at matulungan mong umunlad ang aking kaalaman?
Taong 2006 unang pakikipagsapalaran dito sa bansang Arabiano nabangit ko sa bestfriend ko na gusto kung mag aral ng high school kasi Elementary grad lang po ako sabi ng bff kung c Joanne Crisostomo Teacher in history now sa Novaliches high school sabi nya best may offered ang Deped sa mga out of school youth sa may Ultra Pasig Deped.
Pag uwi ko taong 2008 pumunta nga akong pasig ultra ang sabi nila magbabayad ako ng 200.00 para sa reviewer inisip ko kaya ko kayang ipasa e wala kung ideya kung anu ang pag susulit na gagawin sa makatuwid hindi po ako tumuloy mag exam.
Gusto ko talagang mag aral ang kaso nahihiya po ako sa mga magiging mga ka klase ko nabangit ko kay sister Merlyn Soriano na gusto ko mag aral ng secondarya at nasabi nya may ALS daw sa Tinajeros National High school ‘di po ako nag atubiling pumunta at nagparehistro at doon ko nakilala ang hinahangaan kong guro si Sir Kenneth See na ngayon ay isang ng Head ng ALS Malabon.Nag aral ako sa ALS biglang may offored sa Tesda na schoolar ni Pres. ERAP Kumuha ako ng Vocational course na Massage Therapy at pinagsabay ko nga ang pag-aaral sa ALS at TESDA.Pumasa ako sa Assestment ng Tesda susunod na linggo na ang final exam ng ALS at bigla akong nagkatigdas hangin at sinabayan ng trangkaso bago ang exam sabi ni Sir Kenneth kaya mo bang mag exam Analiza?sagot ko kakayanin sir. At nakapag exam nga ako kahit ang sakit ng ulo ko at mga mata tumuloy po ako at pagkalipas ng ilang buwan nag text ako kay Sir kenneth kung komusta na ang result ng exam sir kenneth said “its sad to say Analiza wala ang name mo sa list ng passers”Pero sabi ni Sir Kenneth mag try ka ulit sabi ko dalawang buwang buntis po ako sir nasa stage pa ako ng paglilihi sabi ko cge po sir i try ko ulit papasok ako next week pumasok nga ako ang kalaban ko yong tinatawag na “morning sickness”sumasakit ang ulo ko at nagsusuka ang pasok ko kasi 8am to 12noon at ang mga batang ka klase ko mga pasaway di ako makapag consentrasyon sa essay at iba pang gawaiin. Pero tinitiis ko ang pumapasok kahit palage akong inaantok sa klase. 
Dumating na ang oras ng pag papa rehistro para sa final exam na gaganapin sa Ninoy Aquino Elementary School Malabon biglang sumakit na ang tiyan ko pumunta ko sa OB Doktor ko ang sabi 1cm na anytime pwede nakong manganak oh my God isa na naman ulit na pagsubok ito. Pagdating ko sa registration booth nakita ng mga guro ng Deped ang kalagayan ko at sinabi ko rin na 1cm na ang tiyan ko Ma’am para kung anu man ang mangyari sa araw na yon alam nila binigyan nila ako ng special treatment at pag tapos kung gumawa ng essay binigay na sakin ang resulta pumasa daw ako sa essay at pwede nakong mag final exam talagang ang saya ko ang kaso humihilab na ang tiyan ko. Kinagabihan nakatanggap ako ng text messages galing kay sir kenneth na cancelado daw ang final exam baka sa susunod na buwan pa wow sabi ko talaga salamat Panginoon baka para na ito sa akin pag bubutihan ko po at mag iisip ako ng positibo na papasa ako. Dumaan ang ilang mga linggo at buwan ng pag aantay ko ng resulta isang gabi sabi ng kapitbahay ko na si Jenny Rocio ate Ann nakita ko ang Pangalan mo sa tarpaulin nakadikit sa may gate ng school namin di na ako makatulog noong gabing iyon kinaumagahan di pa ako nakapag almusal nagpunta ako nakita ko top5 ako siyam lang kaming pumasa. At doon na nag-umpisa ang journey ko na mangarap pa ng mataas at nagpasalamat ako sa Dios may biglang dumating na oportunidad na schoolarship ng Global Reciprocal colleges (GRC) Nakapag-aral ako sa gusto at pangarap kung maging isang guro pero ang pinili kong profession ay pansamantala ko munang iniwan sa kadahilanang makatulong ako sa aking pamilya at may oportunidad na dumating muli na ako’y magtatatrabho sa ibayong dagat bilang Overseas Filipino workers (OFW) Salamat sayo ALS kung hindi kita nakilala grade 6 parin ang natapos ko hanggang ngayon at salamat sa mga taong ginamit ng Dios para makilala kita. 
Nang dahil po sa successful story ko sa ALS naingganyo ko ang kaibigan kung si Juvy Ramos na mag aral din sa ALS at di man sya pinalad noong una sabi ko ako nga di sumuko hanggat di pumasa? ayos nag aral sya muli at sa pangalawang pagkakataon nakapasa na. Pangalawa kung na ingganyong mag aral ang asawa ko na si Romeo Juntila at ang dalawa kung ka churhmates sina sister Rose at Bro.Rocky at sa awa ng Dios pumasa silang tatlo.Ikaw,kayo may mga pangarap ba noon na di natupad at sabi mo wagnang mag aral matanda nako kaibigan,kapatid ang ALS po ay walang pinipiling estudyante Mapabata,matanda,ibang kasarian at iba pa tanggap ka walang diskriminasyon sa ALS kaya kung nais mong matupad ang iyong mga minimithing mga pangarap pumunta lang sa pinakamalapit na Alternative Learning Center at magpatala.

Ito po si Analiza Rabi Juntila na Proud ALS passer,Proud Ofw and Proud to be a Teacher marami pong salamat at napag bigyan ang aking kwentong buhay estudyante ng ALS pagpalain po ang ALS MALABON.

*


Your Answer