Ang ALS ay Tulay Patungo sa Magandang Buhay.

DWQA QuestionsAng ALS ay Tulay Patungo sa Magandang Buhay.
Athens Grace G. Rivarez asked 3 years ago

Produkto ako ng broken family, 2nd yr hs ako nang lumayas ako sa amin. Magulo ang buhay at isip ko noon hanggang sa nahanap ako ang pagmamahal sa ibang pamilya. Hindi ako umuwi ng ilang taon sa amin hanggang sa nakapag-asawa ako sa edad na 15 at nagkaroon ng anak sa edad na 16. Sinubok ako ng tadhana, ang lalaking kinakasama ko na inakala kong magmamahal at mag-aalaga sa akin ay hindi ko pala lubos na kilala. Madalas niya akong  sinasaktan. 4 na taon akong nagtiis sa dahilang ayokong matulad ang anak ko sa akin na produkto ng broken family. Hanggang sa ayoko na talaga, iniwan at hiniwalayan ko siya. Sinubukan kong buhayin ang anak ko sa sariling paa ko. Umuwi ako sa pamilya ng bestfriend ko kung saan minahal at tinanggap nila kung ano ako. Itinuring nila akong tunay na anak.
Gusto kong patunayan sa ibang tao na may mararating pa ako. Hanggang sa narinig ko nga ang tungkol sa ALS. Nag- enroll agad ako. Doon ko nakilala si Sir Kenneth See ang aming guro sa ALS, may bonus pang mga kaklaseng mababait, kahit na may mga edad na at bata pa ang iba ay nagkakasundo-sundo kami. Mahusay at Nakakaexcite ang bawat Sabado na dumadaan.  Natuto ako nang lubos, sa pagkakataong iyon, ayoko biguin ang sarili ko. Pinagbuti ko hanggang sa dumating ang araw ng exam. Makalipas ang maraming buwan mag-eexam na kami. Nakakakaba at nakakatakot kasi baka bumaksak ako. Makalipas ang ilang buwan, lumabas ang resulta ng exam at nakapasa ako. Kasunod nito isang biyaya na muli akong pag-aralin ng tunay kong tatay. Napag-usapan namin ito matapos ako makapasa sa ALS. 
Sabi ng papa ko sobrang proud at masaya siya na naisip kong magbago at mag-aral muli. Nakakatuwang isipin na pagkatapos ang maraming sama ng loob na naibigay ko sa aking tatay, ang ALS pa pala ang magiging daan para maging proud at mapasaya ko siya. Hindi ko inaasahan ang bilis ng panahon.  Sa  kasalukuyan  ay  3rd  Year  College na ako na STI College of Caloocan sa kursong BSHRM. Hawak-kamay ko na ang Edukasyon, wala ng makakatapak sakin na kahit sino, hindi na nila ako mabubully. Mabibigyan ko na din ng magandang buhay ang nag- iisang anak ko na si Aliyah Rhianne Rivarez. Laking tulong ng ALS sa akin. Ito ang naging tulay ko para simulan lahat ng pangarap ko sa buhay. Muli Salamat po sa lahat ng bumubuo sa ALS.

*


Your Answer