ALS ang Sandigan, Hindi Magigiba

DWQA QuestionsALS ang Sandigan, Hindi Magigiba

Ako ay isa sa mga kabataan na natukso kaagad ng mapusok na pag-ibig.
Ako ay isa sa mga kabataan na hindi natapos ang naumpisahang mga pangarap.
Ngunit ng dahil sa programang Alternative Learning System, ang naudlot kong pangarap ay muling natupad.
Noong una, nabalitaan ko na isa sa aking kaibigan ay pumasok sa programang ito. Lumapit ako sa kanya at nag[atulong makapasok dito. Inilapit niya ako kay sir Kenneth See. Hindi ako nahirapang mag-enrol dahil pinahabol naman ako sa klase.
Noong umpisa nangapa ako dahil marami na silang napag-aralan. Pero nagsikap akong matutunan ang pinag-aaralan nila. Akala ko nung una hindi ko kaya dahil sa tagal kong hindi nakapasok. Pero dahil sa aking mga pangarap ay kinaya ko. Nainspired din ako sa aking mga naging kaeskwela na halos nanay at tatay na namin. Sabi ko sa sarili ko kung kaya nila mas kaya ko din. Hanggang sa dumami na ang aking nakilala na may iba’t-ibang kwento kung bakit sila ay nahinto din sa pag-aaral. Hanggang sa dumating na yung panahon na paunti na kami ng paunti. Sabi ko sa sarili ko hindi ko sila gagayahin dahil gusto kong makapasa. Noong mga panahon na yun, ako ay may trabaho pero pinursigi kong pumasok tuwing araw ng sabado. Hanggang sa dumating na ang aming practice exam doon palang nakapasa na ako kaya masayang masaya ako. Sabi ko sana sa final exam makapasa din ako. Tatlong beses nan a postponed ang A&E Test namin pero sabi ni sir Kenneth hindi naman masasayang yung mga araw na hindi natuloy ang exam dahil mas marami kaming natututunan at mas Malaki ang pag-asa naming na makapasa. Kaya kami ng mga kaibigan ko ay nagpursigi pa ding pumasok. Dumating ang araw ng pagsusulit at lahat ng aming mga inaral ay lumabas sa exam. Halos lahat din po ng aking kaeskwela na nagtiyagang pumasok at nag-aral ay nakapasa. Sabi nga nila (Pag may tiyaga, may nilaga!). Kaya sana kayong mga nag-aaral ngayon sa programang ALS ay matutong magtiyaga at magpursige sa buhay.
Kaya sa lahat ng bumubuo sa ALS, Salamat sa inyo! ALS Maraming Salamat dahil sayo natupad ko ang isa sa mga pangarap ko. Dahil sa ALS nakatapos ako ng sekondarya at nagkaroon ng maganda at maayos na trabaho. ALS hinding hindi kita ikakahiya! Sa aking mga guro, kay Sir Kenneth, maraming maraming salamat bilang pagiging isang magulang, kaibigan, at matiyagang guro sa amin!
Carol H. Manuzon
Proud ALS PASSER!
BATCH 2015-2016

*


Your Answer